Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

‘Mga aral ng bagyong Ondoy’ gugunitain sa Marikina

$
0
0

INAANYAYAHAN ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang lahat na makiisa sa muling paggunita ng lungsod sa naging mga aral ng bagyong Ondoy noong 2009 sa pamamagitan ng isang maikling programa na gagawin sa ika-26 ng Setyembre.

May temang “Tagumpay sa Alaala ng Ondoy”, ang programa ay mag-uumpisa  sa isang Lakad ng Tagumpay  simula Marikina City Hall hanggang Our Lady of the Abandoned Parish ganap na ika-6 ng umaga. Matapos ang Misa ng Tagumpay at Pasasalamat, tutungo ang mga dumalo sa Pintong Bukawe sa bayan ng San Mateo, Rizal para sa maikling programa at pagtatanim ng mga binhi ng robusta coffee.

Ilan sa mga inaasahang panauhing pandangal at tagapagsalita ay sina Mayor Casimiro “Jun” Ynares III ng Antipolo City, Mayor Herbert Bautista ng Quezon City, Mayor Johnielle Keith Nieto ng Cainta, Rizal, Mayor Cecilio Hernandez ng Rodriguez, Rizal, Mayor Maribel Eusebio  ng Pasig City, at Mayor Jose Rafael Diaz ng San Mateo , Rizal.

Inaasahan din ang pagdalo ni Department of Environment and Natural Resources Director for National Capital Region Neria Andin, at kinatawan naman mula sa Laguna Lake Development Authority.

Magkakaroon din ng seremonya para sa signing of deed of donation ng may 50,000 binhi ng robusta coffee na ibibigay ng lungsod ng Marikina sa bayan ng San Mateo, Rizal. Ito ay susundan ng malawakang pagtatanim ng robusta coffee ng mga lumahok sa nasabing aktibidad.

“Tatlong taon na ang lumipas matapos hagupitin ng bagyong Ondoy ang lungsod ng Marikina subalit patuloy tayo sa pagbabalik-tanaw sa mga naging aral upang maiwasan natin ang isa pang kalamidad tulad nito. Ang pagtatanim at pagpapayabong sa Marikina Watershed na ating isasagawa ay isa lamang sa mga hakbang na ating ginagawa upang maiwasan ang pagbaha sa ating lungsod,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang aktibidad na ito ay inaasahang dadaluhan ng may 300 katao mula sa pamahalaang lungsod ng Marikina, Alliance of Seven, Boy Scouts of the Philippines, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Coats Manila Bay, Inc., Philippine Red Cross Marikina- Rizal Chapter,  mga opisyal ng barangay sa lungsod ng Marikina, League of Cities of the Philippines, at marami pang iba.

The post ‘Mga aral ng bagyong Ondoy’ gugunitain sa Marikina appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>