IBINUHOS ni Senador Jinggoy Estrada ang lahat ng sama ng loob sa kanyang privilege speech ngayon sa Senado.
Unang ipinahayag ni Jinggoy ang kanyang sama ng loob sa kanyang kapwa mga senador na kanyang tinawag na nagmamalinis at ipokrito.
Ito ay dahil sa paulit-ulit aniyang pagbanggit sa kanilang pangalan nina Senators Bong Revilla at Juan Ponce Enrile sa PDAF scam hearing na wari ba ay convicted na sila sa isyu.
Binatikos din ni Jinggoy ang hindi patas na pamamahayag ng media.
Mas tumutok naman ang pagbatikos ni Jinggoy kay COA chairman Grace Pulido-Tan dahil sa selective auiditing na ginawa nito sa kanilang PDAF lamang ng mga sabit sa pork barrel scam.
Ani pa Estrada, “selective justice is injustice” kaya handa daw niyang sagutin ang isyu sa tamang lugar.
Kaya sa huli, ipinahayag ni Estrada na bigyan sana sila ng pagkakataon na linisin ang kanilang pangalan.
The post Media, gobyerno binatikos ni Estrada appeared first on Remate.