PINAGHAHANAP ng mga pulis ang construction foreman at tatlong kaanak na sinasabing pumatay sa steelman sa Valenzuela City, Martes ng umaga, Setyembre 24.
Nakilala ang mga pinaghahanap na si Cezar Bagaporo at mga kaanak na sina Jelson; Anthony at Raffy mga nasa hustong gulang ng Caloocan City.
Sa ulat, dakong 8:00 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima na si Eduardo Layoso na tadtad ng saksak habang nakahiga sa ground floor ng ginagawang building sa Jacinto St., Marulas ng lungsod.
Sa pahayag ng isang saksi, Lunes ng gabi ay narinig niyang nagtatalo ang mga biktima sa nasabing lugar.
Nagbanta pa umano ang foreman na malapit nang matapos ang masasayang araw ng biktima hanggang sa makitang patay na si Layoso habang nawawala na ang mag-kakamag-anak na Bagaporo.
Inaalam na ng mga pulis kung ano ang dahilan ng pagtatalo ng mga suspek at ng biktima na mga taga-Caloocan City.
The post Foreman at 3 kaanak, pinaghahanap appeared first on Remate.