Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Jeepney operator patay sa kawani ng MMDA

$
0
0

PATAY ang 44-anyos na jeepney operator nang pagsasaksakin ng isang kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang magselos ang huli dahil sa hinalang  muling nakikipagkita ang kanyang kalive-in sa una na dati nitong kinakasama kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital si Johnny Villaruel, ng 49 Pinagkaisanan St., Lower Bicutan, Taguig City sanhi ng malalim na tama ng saksak sa kaliwang dibdib.

Tinangka ring paslangin ng suspek na si Arnolfo Ferrer, 36, ng 351 Apitong St., Comembo, Makati City ang kinakasamang si Jocelyn Balberona, 37 subalit nagawang makapagtago ang ginang kaya’t nagpasiya ng tumakas ang salarin.

Ayon kay Chief Insp Joey Goforth, hepe ng Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, naghinala si Ferrer na nakikipagkita pa ang kanyang kinakasamang si Balberona sa kay Villaruel na dati nitong kalive-in kaya’t palihim niyang tiniktikan ang galaw ng dalawa.

Alas-3:20 ng madaling araw nang makita ni Ferrer ang nakaparadang jeepney ni Villaruel sa gilid ng Guanzon Motors sa EDSA kung saan may food stall naman ang kanyang kalive-in na si Balberona.

Natutulog sa loob ng kanyang jeepney ang biktima nang gisingin sa pamamagitan ng sampal ng suspect na noon ay armado na ng patalim.

Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol siya ni Ferrer hanggang abutan at inundayan ng saksak.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>