ISA na namang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nalagas sa pakikipagbakbakan sa MNLF rebels sa Zamboanga City.
Ito ang kinumpirma ni Army spokesperson Col. Randolph Cabangbang, kaninang umaga.
Ang napatay ay si Army First Lieutenant Francis Damian ng 3rd Light Reaction Company-Light Reaction Battalion.
Si Damian, 28 ay taga-Quezon City at miyembro ng Philippine Military Academy Class 2007 at nanguna sa pakipagbakbakan sa mga rebelde sa Brgy. Santa Barbara kahapon ng hapon.
Pumanaw ang opisyal habang nilalapatan ng lunas sa Ciudad Zamboanga Hospital, alas-8:40 ng umaga.
Una nang napatay sa engkuwentro si First Lieutenant John Christopher Rama matapos tamaan ng sniper fire noong nakaraang linggo.
Umaabot na sa 16 sundalo at pulis ang napapatay sa standoff sa Zamboanga.
The post Army officer pa utas sa Zamboanga siege appeared first on Remate.