NIYANIG ng 2.3 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kaninang madaling-araw.
Ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa kanlurang bahagi ng Paluan, Occidental Mindoro dakong 2:26 ng madaling-araw kanina.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 001 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
The post Occidental Mindoro niyanig ng 2.3 magnitude na lindol appeared first on Remate.