Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

23,794 pamilya apektado ng Zambo crisis

$
0
0

PUMALO na sa 23,794 pamilya na may 118,819 indibidwal ang apektado ng Zamboanga crisis.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na ito ang datos na ibinigay sa kanila ng DSWD.

Tinatayang 89 porsiyento na ang apektadong pamilya ang kasalukuyan ngayong nasa evacuation centers  habang 1,790 pamilya naman ang mas pinili na manatili sa kanilang mga kamag-anak sa mas ligtas na lugar.

Tinuran pa rin ni Sec. Lacierda na may 57 evacuation centers na ang naitala ng DSWD. Ang kabuuang pamilya na nasa evacuation centers ay 21,261 families; 1,790 ang mas pinili na makasama ang kanilang mga kamag-anak.

Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ng computerized profiling ng displaced families ang DSWD sa pamamagitan ng DSWD Disaster Assistance Family Center, family access cards para sa validation, at profile generation purposes bilang batayan ng relief at karagdagang assistance,  kabilang na ang shelter assistance para sa mga pamilya na labis na nasira ng nangyaring sunog doon.

“The community kitchen of the City Social Welfare Development Office is providing 12,000 foods three times a day, and the Philippine Red Cross, International Community of the Red Cross, with the help of Western Mindanao State University also cook dinners for 10,000 individuals. Established community kitchens of DSWD inside the Grandstand are providing food augmentation. DSWD continues to provide food packs to 613 Badjao families who preferred to stay at their vintas in front of the Grandstand,” aniya pa rin.

Samantala, pinasalamatan naman ng Malakanyang ang mga taong patuloy na tumutulong sa evacuees sa Zamboanga City.

The post 23,794 pamilya apektado ng Zambo crisis appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>