ARAW-ARAW na nagsasagawa ng pulong si Pangulong Benigno Aquino III sa security team sa Zamboanga City.
Taliwas ito sa ulat na nasa Zamboanga City nga ang Chief Executive subalit nago-obserba lang at ipinaubaya na ni Pangulong Aquino kina DILG Sec. Mar Roxas, DSWD Sec. Dinky Soliman, Defense Sec. Voltaire Gazmin at sa iba pang opisyal ang pagtugon sa mga pangangailangan at problema ng evacuees, sundalo at ang pagkakaroon ng mapayapang resolusyon sa gulo roon.
‘The President (Aquino) normally has a three-meeting/briefings scheduled on a daily basis. At 7:00 a.m, in the morning, there’s a meeting with the security team or the commanders and the Cabinet secretaries to discuss the events of the previous night; and then, there’s another, a midday meeting to discuss the events that happened during the day; and an evening meeting with the security team, again, and the Cabinet secretaries to discuss a broad assessment on security and humanitarian concerns,” ani Presidential spokesman Edwin Lacierda.
Iyon aniya ang regular schedule ni Pangulong Aquino sa Zamboanga City.
Nakipagpulong din ang Chief Executive sa Zamboanga local government unit, business leaders ng Zamboanga, at civic leaders ng Zamboanga City.
The post PNoy, araw-araw may meeting sa security team sa Zambo appeared first on Remate.