PATAY ang isang kasambahay na lalaki nang saksakin ng kanyang kasamang babae dahil sa malaswang tsismis ng una sa DECA Homes Tacunan, Tugbok, Davao.
Patay sa saksak si Kaloy Tunggal, ng Jose Abad Santos, Davao del Sur.
Lumalabas na nagawang patayin ng suspek na itinago sa pangalang Merly ang biktima dahil sa mga kuwento nitong nakikipagtalik umano siya sa kubo sa hindi nakikilalang lalaki.
Nang mapuno ay pinagsasaksak ng salarin si Tunggal na agad namang namatay.
Pinaghahanap na ang suspek na agad tumakas matapos ang krimen.
The post Tsismoso tinodas ng itsinismis appeared first on Remate.