PATAY ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip nang barilin sa loob ng pinagkulungan sa kanya sa Surigao del Sur.
Sa imbestigasyon, alas-2 ng madaling-araw nang barilin ang biktima na si Anañas Agbones, ng Sitio Sikahoy, Purok 3, Barangay San Roque, Bislig City, ng dalawang hindi nakilalang lalaki.
Narekober sa crime scene ang limang empty shells ng kalibre .45.
Hinala ng pamilya ng biktima na posibleng ilan lamang sa nakaaway ni Agbones ang pumatay sa kanya, dahil sa tuwing susumpungin ng sakit ang nabanggit ay basta na lang ito nang-aaway.
The post May sakit sa pag-iisip inutas sa kulungan appeared first on Remate.