Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sanggol na lalaki, itinapon sa karton ng lansones

$
0
0

ISANG malusog na lalaking sanggol ang iniwan ng isang walang pusong ina sa isang karton ng lansones kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Tinatayang nasa 6 hanggang 8 buwan ang sanggol at nakasuot ng berdeng T-shirt nang matagpuan sa loob ng karton ng lansones.

Sa ulat ng pulisya, alas-4 ng madaling-araw habang nagpapatrulya si Jimmy Villamor, 44, tanod sa Brgy. 83 Zone 8, nang madiskubre nito ang sanggol sa gilid ng EDSA malapit sa kanto ng Pilapil St. ng naturang lungsod.

Agad na dinala ni Villamor at kasama pa nitong tanod ang sanggol sa kanilang barangay hall upang ipaalam sa kanilang punong barangay na siya namang nag atas sa kanila na dalhin agad ito sa Pasay City General Hospital.

Matapos dalhin sa ospital ang sanggol ay binitbit ang natagpuang sanggol sa Pasay City police upang ipagbigay alam ang pagkakadiskubre dito.

Kasalukuyang nasa pag-iingat ng DSWD ng lungsod ng Pasay ang natagpuang sanggol.

The post Sanggol na lalaki, itinapon sa karton ng lansones appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


PAGBABATA


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Ivana Alawi itinanggi ang pagbibigay ng umano’y escort service


Traffic enforcer, todas sa pamamaril sa Parañaque


Ibong Adarna Script


MAMIYAPIS


DELEGADO


KANTUTAN


Inambus na ex-mayor naibulong ang killer bago natigok


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Final Destination 6, kasado na


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


I love you, goodbye: Babaeng nag-I love you sa katawagan, ginilitan ng...


KUDA


HAWI


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>