Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P.5-M pabuya sa ikalulutas ng kaso ni Davantes

$
0
0

ITINAAS na sa P500,000 ang pabuya na inilaan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa salarin ni advertising executive Kristelle “Kae” Davantes.

Mula sa dating P200,000 na ibibigay ng Task Force Kae ng National Capital Region Police Office (NCRPO), magbibigay ng karagdagang P300,000 si Las Piñas City Mayor Vergel “Nene” Aguilar upang mapabilis ang paglutas sa kaso ng pagpaslang sa dalaga.

Nabatid na residente ng Las Piñas City ang biktima pati na ang buong pamilya nito.

Nailibing na ang 25-anyos na dalaga sa Manila Memorial Park sa Parañaque City nitong Linggo ng hapon.  Hindi inalintana ng mga nakipaglibing ang lakas ng buhos ng ulan hanggang sa maihatid siya sa kanyang nitso.

Kasabay ng araw na ito natagpuan na rin sa Camella Homes, Las Pinas, ang silver beige Toyota Altis na minaneho ng biktima nang patayin siya ng mga hindi nakilalang salarin.

Huli siyang nakitang buhay bandang ala-1:00 ng madaling-araw, Setyembre 7, sa Bonifacio Global City.

Sa Silang, Cavite natagpuan ang kanyang bangkay kinabukasan.

The post P.5-M pabuya sa ikalulutas ng kaso ni Davantes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>