MAAARI ng iprisinta ang kopya ng tiket sa eroplano sa pamamagitan ng smartphones, tablets at mga kauri nito. Ito ang ginawang paglilinaw ng Department of Justice.
Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima na epektibo agad ang advisory mula sa Department of Justice at mga kakabit na ahensiya kasama ang Bureau of Immigration.
“This is another step to improve access to basic government services. We shall continue to work with all stakeholders to inject common sense and process logic into our systems,” lahad ni De Lima.
Batay ang bagong polisiya sa bisa ng Operations Order No. SBM-2013-003 o ang “Removing the Requirement of Presentation of the Printed Hard Copy of Return and/or Onward Passage Ticket” na may petsang Agosto 12.
The post Plane tickes ‘di na kailangan i-print appeared first on Remate.