HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga documentary evidence mula sa kampo ng whistleblowers.
Kahon-kahong mga ebidensya na naglalaman ng dokumento ang dala kahapon ng panig ng mga testigo para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga mambabatas sa Office of the Ombudsman.
Ilan lamang sa lumutang na mga pangalan ng mga senador ang posibleng makasuhan ay sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ramon Revilla Jr. base sa ebidensya ng mga whistleblower na sinasabing ginamit ang pork barrel funds sa pekeng non-government organizations ni Janet Lim Napoles.
Maari ding maharap sa malversation charges ang nasa 40 pang government officials dahil sa pagkakadawit sa PDAF scam.
The post Kahon-kahon na dokumento, hawak na ng NBI appeared first on Remate.