HINIKAYAT ng mga Obispo ang gobyerno at Moro National Liberation front na magkaroon ng dayalogo upang matapos na ang kaguluhan sa Zamboanga City.
Umapela si Basilan Bishop Martin Jumaod kay MNLF founding Chairman Nur Misuari na maging bukas sa dayalogo upang maayos at mapayapang maresolba ang krisis.
Nalulungkot naman ang Obispo sa mga buhay na ibinuwis at ang maaring kapahamakang maidudulot pa sa karatig probinsya tulad ng Basilan.
Simula nang sumiklab, aniya, ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at MNLF ay tatlong araw na ring walang byahe ng mga ferry mula Basilan hanggang Zamboanga at pabalik.
Maliban dito, nagresulta, aniya, ito ng pagkamatay ng ilang inosenteng mamamayan, pagkasira ng mga ari-arian at masamang ekonomiya.
Gayundin, nanawagan din si Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso sa MNLF na pakawalan na ang mga hostages at inosenteng mga sibilyan na nadadamay sa kaguluhan.
The post Mga Obispo, umapela kay Misuari appeared first on Remate.