BURADO na sa 2014 proposed national budget ang pork barrel ng mga kongresista na P25.2 bilyon.
Ito ay matapos magsagawa ng mahigit isang oras na executive session ang lahat ng miyembro ng House Committee on Appropriations.
Ayon sa napagkasunduan, ire-realigned sa iba’t ibang ahensya ang P25.2 bilyon.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang makatatanggap ng pinakamalaking porsiyento na 35, ang Department of Social Welfare and Development ay tatanggap ng 20 porsiyento, tig-15 porsiyento ang Department of Health, Deparment of Labor and Employment.
Paghahatian naman ng Department of Education at Commission on Higher Education and nalalabing 15 porsiyento.
Nagpaliwanag naman si ACT TEACHERS Rep. Antonio Tinio na miyembro rin ng komite kung bakit tutol siya sa sistemang ito.
“My “no” vote was consistent with my position for the abolition of the pork barrel system. The proposal put forward and approved by the Committee on Appropriations does not go far enough.”
Paliwanang pa ni Tinio na ang PDAF lumpsum na P25.2 bilyon ay “unbundled and tucked” lamang sa regular na budget ng mga ahensya dahil nananatili pa rin ang mga pangunahing features ng pork barrel.
Ang kongresista ay maaari pa ring magrekomenda ng proyekto sa ahensya.
“Unbundled PDAF is still pork. Surely, the public will rightly see this as pork barrel in another form,” giit pa ni Tinio.
Sa Lunes ay sisimulan na ang debate sa plenaryo para sa General Appropriations Bill na P2.8 trilyon.
The post ‘Pork’ opisyal nang burado sa 2014 budget appeared first on Remate.