PINADADALO ng Senado si Justice Sec. Leila de Lima sa imbestigasyon ng kapulungan sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam na kinasasangkutan mismo ng mga senador at kongresista.
Ipinadala na ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. TG Guingona III ang imbitasyon kay De Lima para dumalo sa susunod na pagding sa Setyembre 12, Huwebes.
Umaasa ang Senado na makakapagbigay ng karagdagang impormasyon si De Lima kaugnay ng eskandalong inarketekto umano ni Janet Lim-Napoles.
Magugunitang, pina-subpoena na rin ng Senado ang mga dokumentong magpapatunay na mismo ang mga senador ang personal na nag i-endorso sa mga pekeng NGOs upang ma-release ang bilyong pisong halaga ng pork barrel funds.
The post De Lima pinadadalo na sa pork barrel probe appeared first on Remate.