KULONG ang isang lasing na lalaki makaraang manggulo at manakit ng parak sa Lucban, Quezon.
Nabatid na lango sa alak ang suspek na si Alvin Palencia, 23, nang magtungo sa tapat ng bahay ng magkakamag-anak na Well Montano, Evelyn Obaña at Juliana Nania at hinahamon ang mga ito ng away.
Nang datnan ng mga pulis ay tinangka siyang pakalmahin ni PO2 Gilbert Garcia pero kumuha ang suspek ng tubo at tinangkang paluin sa ulo ang pulis.
Dito na napilitan ang pulis na gamitan ng pwersa si Palencia at dalhin sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kaso.
The post Lasing na nanakit ng parak, kulong appeared first on Remate.