Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagbasa ng sakdal kay Napoles, inurong

$
0
0

BUMIGAY ang Makati City Regional Trial Court sa hiling ng kampo ni Janet Lim Napoles na iurong ang pagbasa sa kanya ng sakdal para sa kanyang kasong serious illegal detention.

Dahil dito, muling itinakda sa Setyembre 23, ala-1:30 ng hapon ang pagbabasa ng sakdal sa itinuturing na utak sa P10-billion pork barrel scam.

Unang itinakda ng korte ang arraignment sana ni Janet sa Lunes, Setyembre 9.

Una rito, sa 18-page urgent motion na inihain sa Makati RTC Branch 150, iginiit ni Napoles na mayroon pa silang nakabinbing mga mosyon sa sala ni Judge Elmo Alameda na dapat resolbahin ng hukom, kabilang ang inihain kahapon na motion for bills of particulars.

Maliban dito, hindi pa rin nareresolba ng Court of Appeals ang hiwalay na petition for certiorari na kumukuwestyon sa legalidad nang inilabas na warrant of arrest ni Judge Alameda.

The post Pagbasa ng sakdal kay Napoles, inurong appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>