Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Killer ng mag-asawa, nadakip na

$
0
0

NADAKIP na ang suspek na pumatay sa mag-asawa sa Valenzuela City kagabi, Setyembre 5.

Todo tanggi naman ang dinakip na si Angelito Dayrit, ng Magsaysay St., Marulas, nasabing lunsod.

Sa record, Agosto 31, 2013, alas-10:35 ng gabi nang pagbabarilin ng suspek ang mag-asawang Ariel Serenilla, 43 at Lourdes, 49 habang sakay ng tricycle sa Anak Dalita St., Marulas.

Sa likod ang tama ni Ariel habang sa leeg naman ang tama ni Lourdes na hindi na umabot nang buhay sa Fatima Medical Center.

Ilang saksi ang nakakita sa mukha ng suspek matapos maghubad ng helmet at magtanong-tanong kung saan nagpunta ang mga biktima na dumalaw sa kaanak sa Barrio Bitik, Gen. T. De Leon.

Isang hindi pa kilalang kasama ang sinasabing nakitang kausap ng suspek bago maisagawa ang krimen.

Alas-7:30 kagabi nang dakpin ang suspek malapit sa kanilang bahay na napag-alaman na dating guwardiya ng Karuhatan National High School.

Kahit hindi umaamin ay malaki ang paniniwala ng mga pulis na ang dinakip ang suspek dahil sa mga saksi na naging dahilan upang sampahan ng double count Murder sa piskalya.

The post Killer ng mag-asawa, nadakip na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>