LABINGTATLONG bilanggo na lang ang pinaghahanap makaraan ang jailbreak na naganap sa Valencia City Jail sa Bukidnon.
Ito ay makaraang masakote na ang walong pugante ng BJMP-Bukidnon.
Una rito, nangyari ang pagtakas ng mga bilanggo habang nagsasagawa ng klase ang ilang personahe ng Department of Education (DepEd) Alternative Learning System (ALS) sa 23 inmates sa loob ng Valencia City Jail.
Una nang isinailalim sa red alert ang buong Bukidnon dahil sa insidente.
The post 8 pugante sa Cagayan naibalik na sa kulungan appeared first on Remate.