KINUMPIRMA ng pamunuan ng Makati police na isa na ang patay habang isa ang naitalang sugatan sa naganap na barilan ng dalawang grupo ng mga gwardiya sa Burgundy Tower sa Makati City kaninang hapon.
Ayon kay S/Supt. Manuel Lucban, hepe ng Makati Police, nakatanggap ang kanilang opisina ng impormasyon na nagkainitan ang dalawang grupo ng mga guwardiya sa Burgundy Tower sa 252 Senator Gil Puyat Ave, kung saan ay nauwi sa pamamaril na ikinamatay ng isa sa mga gwardiya at pagkasugat ng isa pa.
Ayon sa pulisya, agawan sa pamamahala ng naturang gusali ang ugat ng tensyon sa pagitan ng dalawang grupo ng mga gwardiya.
Habang isinusulat ang balitang ito, ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng security guard na nasawi gayundin ang nasugatan sa naganap na insidente.
The post UPDATE: 2 grupo ng sekyu nagamit sa away-pamamahala appeared first on Remate.