WALA ng plano ang ilang opisyal ng Simbahang Katoliko na maghain pa ng petisyon sa Supreme Court para hadlangan ang pagpapatupad ng kontrobersyal na Reproductive Health law.
Ayon kay Lipa City Archbishop Ramon Arguelles, isinantabi na nila ang naturang plano dahil malabo rin naman itong katigan ng Supreme Court dahil mismong ang Chief Justice ay malapit kay Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Arguelles na dahil sa ugnayan ng Malakanyang at korte ay hindi rin magtatagumpay ang kanilang balaking pagpigil sa
implementasyon ng naturang batas.
Matatandaang hindi agad naisapubliko ang pagpirma ni Pangulong Aquino sa RH law, bagay na pinagdududahan ng simbahan sa tunay nitong dahilan.