HABANG nakaambang magdeklara ng oil price hike ang ilang kompanya ng langis, sasalubungin naman ang Bagong Taon ng kaltas presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga kompanya na kaanib ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA).
Ipinahayag ng LPGMA na P2 kada kilo o P22 kada 11-kilong tangke ang rollbak sa LPG na sasalubong sa publiko mamayang hatinggabi.
Ayon sa LPGMA, naglalaro sa P670 hanggang P800 ang presyo ng kada 11-kilong tangke ng LPG ngayon, papalo na lang ito sa P648 hanggang P778 pagsapit ng 2013.
Sinabi ni LPGMA President Arnel Ty, na masusundan pa ang rollback na ito sa mga susunod na araw, dahil sa patuloy na paghina ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.