WALANG dating sa Malakanyang ang mga ibinunyag ng showbiz talk show host na si Lolit Solis kaugnay sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III na “kaibigan” ang kontrobersiyal na pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na wala silang nakikitang dahilan para patulan ang mga hirit ni Lolit Solis.
“Hindi na kami magko-komento diyan kasi, papatulan pa ba namin si Lolit Solis? Parang, ‘di ba? All I am saying [is that] we are not going to dignify a statement coming from a showbiz [personality]. I will not comment on that because, if we comment, we will dignify such claim. We will not dignify the statements,” diing pahayag ni Sec. Lacierda.
Isiniwalat ni Lolit Solis na kilalang “harbatera” ng mga artista na nakita niya si PMS head Julia Abad sa isang party ni Napoles habang sinabi naman sa kanya ng huli na si Ochoa ang kausap nito kung saan ay humihingi ng campaign fund para kay Pangulong Aquino.
“You are asking me to dignify it, you know. I am not gonna dignify,” anito.
Hindi naman napag-usapan sa pang-18 full cabinet meeting ang mga isiniwalat ni Lolit Solis o maging ang kontrobersyang isiniwalat naman ng whistle blower na si Jun Lozada ukol sa midnight deals.
“We never discussed that. We never discussed that even… By the way, si Atty. Kapunan mentioned that, in her interview with “Headstart” (hosted by) Karen Davila, on what Napoles said to ES. But you should take that as a sign of whether you should dignify the claim of Ms. Lolit Solis,” aniya pa rin.
The post Pagbubunyag ni Lolit Solis walang dating -Malakanyang appeared first on Remate.