ISA na namang miyembro ng mamamahayag ang itinumba ng hindi nakilalang mga suspek sa Calapan, Oriental Mindoro, sa ulat ng pulisya ngayon.
Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng kanyang motor ang biktima na si Vergel Bico, editor ng weekly newspaper nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo.
Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang agad na tumapos sa buhay ng biktima.
Inaalam pa kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa krimen.
The post Miyembro pa ng media itinumba sa Mindoro appeared first on Remate.