Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P49M budget ng delegasyon ni PNoy pa-Switzerland

$
0
0

TINATAYANG aabot sa P49 million ang budget na inilaan ng Malakanyang para sa delegasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na umalis na ng bansa kagabi para pangunahan ang pagdalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Inaasahang gagamitin nito ang pagkakataon upang ilatag ang anti-corruption campaign at  manghikayat ng panibagong investments para sa bansa.

Ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa Jr., gagamitin ang pondo sa pambayad ng chartered flight papuntang Switzerland, accommodation, transportasyon, pagkain, mga dadalhing equipment at telecommunications requirements kasama ang 63-member delegation na kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Trade Secretary Gregory Domingo, Budget Secretary Florencio Abad, Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Cabinet Secretary to the President Jose Rene Almendras at PCDSPO Secretary Ricky Carandang.

Sa kabilang dako, bago bumalik ng bansa sa Enero 26 ay may Filipino community meeting ang Pangulong Aquino sa Zurich para kumustahin ang kanilang kalagayan.

“President Aquino’s participation in the WEF is an important opportunity for us to let the world know of our determination to institutionalize good governance in our country as one of the principal pillars of fiscal reform,” ani Ochoa



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>