KARIMA-RIMARIM ang naranasan ng isang mister na nanggahasa ng sariling anak matapos itortyur muna ng kanyang misis saka kinatay at niluto sa China.
Lumalabas na tatlong araw munang pinahirapan ng isang misis ang kanyang mister na kapwa hindi pinangalanan nang hindi pinakain at pinainom ng tubig.
Makaraan ang tatlong araw ay tsinap-tsap ng misis ang bangkay ng kanyang asawa bago pinakuluan sa pressure cooker.
Matapos makonsensiya sa kanyang ginawa ay isinuko ng suspek ang kanyang sarili at inaming nagawa niya ang krimen dahil ginahasa nito ang kanilang anak.
The post Mister na rapist ng anak, tinortyur ni misis saka kinatay at niluto appeared first on Remate.