Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Babae nagbaril sa sarili, patay

$
0
0

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang 22-anyos na babae sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Patay na nang madiskubre ng kanyang nakatatandang kapatid ang biktimang si Maria Victoria Legaspi, newly graduate ng Far Eastern University (FEU), ng Europe Plat Building, Unit 205, Yakal St., Brgy. Comembo ng nabatid na lungsod, sanhi ng tinamo nitong tama ng kalibre .9mm sa kanyang kanang sentido.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Ronaldo Villaranda, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), ng Makati City Police, dakong 10:25 ng gabi nang maganap insidente sa loob ng silid ng biktima.

Ayon kay Cristina, nakatatandang kapatid ng biktima, isang malakas na putok ng baril ang kanyang narinig mula sa silid ng kanyang kapatid kaya’t agad niya itong pinuntahan kung saan ay tumambad sa kanya ang duguan ng nakahandusay na katawan nito sa kama.

Agad na humingi ng tulong si Cristina sa kanilang mga katabing unit kung saan rumesponde agad ang mga awtoridad.

Narekober ng pulisya ang isang kalibre .9mm pistol sa tabi ng labi ng biktima na posibleng ginamit nito sa pagpapakamatay.

Blangko naman ang mga awtoridad sa motibo ng pagpapakamatay ng biktima dahil maging si Cristina ay walang maisip na dahilan kung bakit nito nagawa ang pagpapatiwakal.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Flor Funeral Homes upang doon isailalim sa awtopsiya upang masigurong walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

The post Babae nagbaril sa sarili, patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan