IPINAGKIBIT balikat lamang ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang tinanggap na death threat.
Sa halip, nagpatutsada pa si Carpio-Morales na” sila ang dapat matakot at huwag na siyang tatakutin pa.”
Batay sa ulat, nakatanggap umano ng isang tawag sa telepono ang secretary ni Carpio-Morales bandang ala-1:00 ng hapon habang nasa isang forum ng Asian Development Bank.
Aniya, ang nasabing banta ay may kaugnayan sa pagpasok ng Ombudsman sa imbestigasyon sa bilyong pisong anomalya mula sa congressional Priority Development Assistance Fund o PDAF na naidivert sa mga ghost projects.
Ani Morales, pinag-iingat siya ng hindi kilalang caller dahil baka may masamang mangyari sa kanya sa pakikialam sa pork barrel scam.
Matapang na sinabi ni Morales na hindi siya natatakot sa ano mang banta sa kanyang buhay dahil kung oras na aniya ay oras na ng isang tao at nakahanda siya.
Nauna ng inanunsiyo ni Morales na ang walong miyembro ng kanyang Interagency Anti-Graft Coordinating Council (IAAGCC) ang tututok sa umano’y maling paggamit ng pork barrel funds na nadeskubre sa isinagawang special audit mula 2007 hanggang 2009 ng Commission on Audit (COA).
Lumiltaw na sangkot sa anomalya ang 82 NGOs na tumanggap ng P6.165 billion alokasyon mula sa PDAF o pork barrel ng 12 senators at 180 Kinatawan.
The post Death threat, dedma ng Ombudsman appeared first on Remate.