PINAYUHAN ni Marbel Bishop Dimualdo Gutierrez ang utak sa P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles na ikumpisal ang mga nagawang kasalanan.
Bukod sa pangungumpisal, hinimok ni Bishop Gutierrez si Napoles na isauli ang perang nakulimbat na pag-aari ng taumbayan.
Hinamon din ng Obispo si Napoles na ibunyag ang lahat ng kanyang nalalaman at kung sino-sino pa ang sangkot sa 10-bilyong pisong pork barrel scam.
Ikinatuwa rin ni Bishop Gutierrez ang pagsuko ni Napoles dahil malalaman na ng publiko ang modus operandi ng mga bogus na NGO’s.
Iginiit ng Obispo na hindi sapat ang pag-amin at paghingi ng tawad dahil kaakibat nito ang pagsasauli sa bagay na hindi naman niya pag-aari.
Tiwala naman ang Obispo na ang pagsuko ni Napoles ay “tip of the iceberg” pa lamang ng iba pang malalaking katiwalian sa gobyerno.
Kaugnay nito, hiniling din ng Obispo ang panalangin ng taong bayan sa eskandalong kinakaharap ng bansa at ang paghikayat na ipanalangin din ang punong ehekutibo.
The post Napoles, mangumpisal at isauli ang pera – Obispo appeared first on Remate.