INIUTOS na ng Makati City Regional Trial Court na ikulong si Janet Lim-Napoles sa Makati City Jail.
Sa “commitment order” na inilabas ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda, inutusan nito ang Philippine National Police (PNP) na ilagay sa regular na kulungan ang akusado.
Si Napoles ay nahaharap sa kasong serious illegal detention at imbestigasyon kaugnay sa P10-billion pork barrel fund scam.
Sa ngayon ay nasa Camp Crame pa si Napoles makaraang sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III kagabi.
Ang kautusan ng korte ay kasunod ng pagbalik ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng arrest warrant ni Napoles sa nasabing korte.
Samantala, itinakda sa Setyembre 9 ang arraignment ni Napoles.
The post Napoles sa Makati City Jail ikukulong appeared first on Remate.