NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang panukalang batas na magbibigay ng pagkakataon sa kasapi ng media na makaboto ng mas maaga bago ang halalan o ang Local Absentee Voting for Media.
Dahil sa walang tumutol sa bicameral conference committe report, dinala ito sa plenaryo ni senador Aquilino Pimentel III, chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation kaya naratipikahan ito ng walang kahirap-hirap.
Base sa nasabing panukala, papayagan ang mga kagawad ng media, kabilang na ang technical support staff na bomoto dalawang linggo bago ang halalan.
Bago ang pagboto, dapat magpa-accredit muna sa Comelec ang media practitioner para makinabang sa Local Absentee Voting.
Kaugnay nito, tanging national positions lamang ang maaring pagbotohan ng accredited media practitioner na gustong mag-avail ng local absentee voting.
Bagama’t mayroong opsyon na bomoto ng local candidates kung regular na boboto sa mismong araw ng eleksyon doon sa lugar kung saan nakarehistrado.
Sa oras na maratipikahan sa Kongreso ang panukala, lagda na lamang ni Pangulong Noynoy Aquino ang kailangan para tuluyang maging batas.