ANG feeling namin, tulad sa iba, kaya nganga sa TV project itong si Pops Fernandez ay dahil wala man lang Tv station na nag-aalok sa kanya. ‘Yun pala may ilang offer na para kay Pops especially sa Teleserye. Ang problema ay parating tini-turndown raw ng Concert Queen. Ang rason ni Pops, very taxing para schedule niya ang ilang araw at magdamagang taping sa teleserye. Mas komportable raw talaga ang diva sa kanyang singing career at mag-perform sa mga concert at ibang event. May garment business rin ang singer kung saan sa online pa lang ay marami ng customer. Si Pops raw mismo ang nagde-design ng kanyang gown and T-shirt business.
Another thing, marami raw talagang pera ngayon ang ex ni Papa Martin dahil ipinamana na ng kanyang mommy Dulce Lucban sa kanya ang DSL Productions nito na nag-produce ng malalaking concert niya noon. Ang kaso, may bulung-bulungan din na kaya madatung si Pops ay dahil sa itinatago nitong DOM umano na suportado siya at ang kanyang negosyo.
Imagine, kung dati-rati ay kuripot ang nasabing singer, nga- yon ay galante na raw sa mga kaibigan at sa ilang close na entertainment press.
Nice to hear dat naman gyud!
Proposal Ni Ser Chief Kay Maya Sa Be Careful With My Heart, Nagpakilig Pa Lalo Sa Televiewers
Kaya always feeling in love ang bagong mag-siyota, mag-asawa at kahit mga single na viewers ng Be Careful with My Heart aydahil magaling magpakilig nina Maya (Jodi Sta Maria) at Ser Chief(Richard Yap) sa mga eksena nila sa kanilang humahataw sa rating na daily morning serye lalo na ngayong ki- nausap na ng personal ni ser Chief itong nanay ni Maya na si si aleng Teresita(Sylvia Sanchez) para sa proposal nito na pakakasalan na si Maya.
Dahil alam ni Teresita na mahal nito at aalagaan ang daughter ang kayang daughter, aprub agad-agad sa kanya ang nasabing soon to be son-in-law. Aba! Syempre excited na rin ang lola (Divina Valencia) ni Maya at ang kapatid na si Kute(Aiza Seguerra) sa proposal na ito.
Sobrang saya nanaman ng tatlong anaK ni ser Chief na sina Luke(Jerome Ponce), Nikki(Janella Salvador) at Abby(Mutya Orquia) nang i- parating ng kanilang daddy na pakakakasalan na nito si Maya. Tuwang-tuwa ang tatlo at magiging mommy na nila ang kanilang ate Maya na mula pa noon ay nagpakita na ng pagmamahal bilang isang ina sa kanila. Hindi lang sila ang masaya, maging ang matagal ng naninilbihan sa kanilang si manang Fe(Gloria Sevilla) at dalawang maids na sina Isabel at Doris ay abot-abot rin ang ligaya sa magandang news na nakarating sa kanila. Maging ang mga magulang ni ser Chief na sina Donya Esmeralda (Marissa delgado) at don Roberto, (Noel Trinidad) na pinagkasundo ni Maya at nagkabalikan na nga, ay welcome na welcome sa nasabing parating na wedding ng unijo ihong si ser Chief at daughter-in-law na si Maya dela Rosa. Tiyak na ang aabangan naman natin ay ang pagdating ng baby ng dalawa kung meron man? Aba’y para hindi mabitin, manoood araw-araw ng Be Careful with My Heart sa Kapamilya network pagkatapos ng Minute To Win It!
The post Pops Fernandez may DOM? appeared first on Remate.