Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagbasura sa pork barrel, umani ng suporta sa Senado

$
0
0

UMANI ng suporta ang panawagan sa pagbasura sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa pork barrel nang magkakasunod na naghain ng magkakahiwalay na resolusyon ang dalawang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa Senado hinggil dito.

Unang naghain nitong Huwebes si Senador Francis “Chiz” Escudero ng Senate Resolution No. 193 upang tuluyan nang ibasura ang pork barrel sa harap ng multi-bilyong anomaly na siyang iimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Escudero, kailangan nang maibasura ang pork barrel na matindi na ang panawagan ng taumbayan na itigil ang sistema ng PDAF na siyang ugat ng korapsiyon sa Kongreso matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na multi-bilyong pork barrel ang napunta sa pekeng non-governmental organization (NGO).

Nakalagay sa resolusyon ni Escudero na “express its sense to abolish the PDAF and its allied congressional initiative allocation collectively known as “pork barrel”.

“The people have spoken and it is necessary to draw the line further between public accountability and patronage politics by being truthful to the constitutional allocation of powers and prerogatives,” ayon kay Escudero sa resolusyon.

Naitayo ang PDAF na dating Countrywide Development Fund (CDF) noong 1990, sa panahon ni yumaong Pangulong Cory Aquino, ina ni Pangulong Benigno Aquino III, na may layunin na pondohan ang pangangailangan ng mga mamamayan na hindi natutukoy ng pambansang pamahalaan.

“Now, it has already mutated into a multi-billion racket allegedly perpetrated by syndicates in both the public and private sectors. Despite proper use and disbursement by well-meaning public officials and despite its statutory laudable purpose, the misconception that the pork barrel has become a form of “horse trading” and a major source of corruption in the government is apparently starting to become real in the eyes of the Filipino people,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na sanhi ng ulat ng COA na nagkukumpirma sa bigat at lawak ng pang-aabuso sa pork barrel at malakas na panawagan ng mamamayan upang ibasura ang pork barrel ang siyang nagtulak sa kanya upang isulong ang pagbasura sa naturang uri ng pondo.

Susuportahan din ni Escudero ang panawagan ng mamamayan sa Agosto 26 na tinawag na A Million People March against Pork Barrel ngunit hindi siya pisikal na lilitaw sa Luneta upang hindi mapolitika ang panawagan.

The post Pagbasura sa pork barrel, umani ng suporta sa Senado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>