MATAPOS ang apat na araw na pagkalubog sa tubig-baha dulot ng malakas na buhos ng ulan, bukas na sa mga motorista ang Lagusnilad sa harap ng Manila City Hall, ayon kay Vice Mayor Isko Moreno.
Ipinasipsip na ang baha sa pagtutulungan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Maynilad at Manila Water na aabot umano sa halos 10 Olympic-size swimming pools.
“Passable na ang buong Maynila especially ‘yung ng Maynila na Lawton, nandoon ang Lagusnilad,” ani ni Moreno sa isang intebryu sa telebisyon.
Ayon pa kay Moreno, aabot sa halos 2.4 miyong gallon ng tubig ang nahigop mula sa Lagusnilad.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang isinasagawang paglilinis sa mga underpass sa Lawton malapit sa post office upang madaanan na ng mga commuters.
The post Lagusnilad nadadaanan na appeared first on Remate.