HANDA si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na sumailalim sa “impartial investigation” kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa kontrobersiyal na pork barrel scam o isyu sa umano’y maanomalyang panggamit ng Priority Development Assistance Program (PDAF).
Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Joel Bodegon, sinabi ni Revilla na mainam na magsagawa ng imbestigasyon upang malinis nito ang kanyang pangalan sa isyu maliban pa sa layunin na maitama ang umiiral na sistema.
“Senator Revilla welcomes an impartial investigation on this matter. At the same time, the Office of Senator Revilla is currently doing in-depth study and serious review of the process and evaluating options to strengthen the safeguards or security measures to ensure that his PDAF allocation is not used without his office’s consent or knowledge,” ayon kay Bodegon.
Mula nang lumutang ang isyu, agad na ipinag-utos ni Revilla sa kanyang mga staff na tingnan ang kanilang records kung saan sa inisyal na pagsisiyasat lumalabas na hindi nag-endorso ang senador sa alinmang non-governmental organization (NGO) o kaya ay request mula sa implementing agencies na ilaan ang kanyang pork barrel sa NGO.
Kasabay nito, hiniling na rin ng tanggapan ni Revilla sa Commission on Audit na bigyan sila ng kopya ng mga records kaugnay ng isyu kung bakit nadawit ang kanyang pangalan.
Nabatid na nagpasya na ang Senado na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa multi billion peso pork barrel scandal sa harap ng pagkakasangkot ng ilang senador sa kontrobersiya.
The post Pork probe haharapin ni Bong Revilla appeared first on Remate.