“BAND aid solution” ang resolusyong inihain ng grupo ni Senate President Franklin Drilon sa Senado na nagbabasura sa pork barrel, ayon sa isang miyembro ng minorya sa Senado.
Sa panayam, sinabi ni Senador Nancy Binay na huli na ang lahat sa magkakasunod-sunod na resolusyon na inihain ng grupo ni Drilon dahil nagdeklara na ng suspensiyon si Pangulong Benigno Aquino III sa pagpapalabas ng pork barrel.
“Too little, too late. Huli na ang lahat para sa resolusyon ng mayorya dahil naideklara na ang suspensiyon sa pagpapalabas ng pork barrel,” ayon kay Binay.
Nauna nang naghain ng resolusyon sina Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano at Francis “Chiz” Escudero sa pagbasura ng pork barrel kasabay ng kahilingan na italaga sina dating Senador Panfilo Lacson at Joker Arroyo na italagang special independent investigator sa pork scam.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Binay na malugod na tinanggap ng minorya ang deklarasyon ni Pangulong Aquino laban sa paglalabas ng pork barrel.
“Nonetheless, we agree with the basis of suspension and we in the minority bloc welcome the President’s announcement,” ayon kay Binay.
Kasabay nito, pinuna ni Binay ang pagkakamali ng Commission on Audit (COA) sa pag-audit kung paano ginamit ang pera ng pamahalan partikular kay Compostela Valley Vice Gov. Way Kurat na nakatanggap ng P3 bilyong PDAF.
“Bakit inaabot ng ilang taon ang findings nila sa mga anomalous transaction na ito? And what where the actions made to these COA reports about their findings submitted to the Department of Budget and Management (DBM) and Malacanang since 10 years ago?” tanong pa ng senadora.
Kasunod nito, iginiit ni Binay na napapanahon na para pagtibayin ang Freedom of Information (FOI) bill upang maging transparent ang paggamit sa pera ng taong bayan.
Sa darating na Agosto 29 ay magsisimula na ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng pork barrel scandal.
The post Drilon bloc inupakan sa ‘band aid solution’ vs pork barrel appeared first on Remate.