Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Deliberasyon ng FOI sa Kamara naunsiyami na naman

$
0
0

IKINAGULAT ng marami ang biglang pagsuspendi sa sesyon ng Kamara kaninang hapon gayung hindi pa natatalakay ang lahat ng nasa order of business kabilang ang Freedom
of Information bill.

Naunang tiniyak ni House Majority leader Neptali Gonzales II na nasa agenda o order of business ang nasabing panukala subalit habang patuloy ang sesyon ay napag-alaman na wala naman sa OB ang FOI.

Dahil na rin sa kawalan ng korum, napilitan ang liderato ng Kamara na suspendihin ang sesyon matapos magbanta si Davao Rep. Douglas Cagas na kukwestyunin ang korum.

Magkagayunman, bago ang suspension ay naratipikahan ang media absentee voting at anumang araw mula ngayon ay iaakyat na ito sa Malakanyang para pirmahan ni Pangulong Aquino.

Nakapaloob sa niratipikahang bicameral conference committee report na ang media ay papayagang makaboto sa lugar kung saan sila maitatalaga sa araw ng halalan subalit ang maaari lang nilang iboto ay mga kandidato sa pagka-presidente, bise presidente gayundin ang Party list Representatives.

Sa isang panayam, sinabi naman ni House Deputy Speaker Erin Tanada, pangunahing may-akda ng FOI na bukas ay tatangkain nila muling maisalang ang naturang panukala.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>