UMANI ng batikos ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa implementasyon ng number coding ngayong araw kahit binabaha ang buong Metro Manila.
Sa kasalukuyan, nananatiling epektibo ang number coding scheme sa Metro Manila sa kabila ng pagbaha at malakas na ulan dulot ng habagat.
Ayon sa MMDA, tanging sa Quezon City walang coding scheme ngayong araw dahil holiday sa naturang lungsod.
Una nang sinuspinde ng palasyo ang klase sa Metro Manila gayundin ang trabaho sa mga government offices bunsod ng masamang panahon.
The post Number coding sa Metro Manila, epektibo pa rin appeared first on Remate.