IHAHAIN na sa susunod na linggo ng Department of Justice sa Office of the Ombudsman ang unang batch ng reklamo laban sa ilang miyembro ng Kamara at Senado na sangkot sa P10-bilyon pork barrel scam.
Pahayag ito ni Justice Secretary Leila de Lima.
Kinumpirma ni de Lima na sasampahan nila ng kaso ang mga mambabatas na suportado ng sapat na ebidensiya, kasama ang testimonya at mga dokumento ukol sa kontrobersya.
Nag-ugat ang kontrobersiya sa transaksyon ng grupo na pinangunahan ni Janet Lim-Napoles, na itinuturo ng dating kasamahan na sina Benhur Ly at Merlina Sunas.
Kinumpirma naman nito na ilang mambabatas ang sangkot sa kontrobersiya subalit hindi nila matanto kung kumpleto na ang listahan kaya bineberipika pa nila ito.
Inamin naman ng kalihim na matatagalan pa ang imbestigasyon bago matapos dala na rin sa lawak ng scam.
Siniguro naman nito na nagsasagawa ng independent at impartial investigation ang NBI ukol sa naturang isyu.
The post Solons na sangkot sa pork barrel scam, kakasuhan na appeared first on Remate.