PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang naunang findings ng Commission on Audit (COA) na nagpapanagot sa apat na opisyal ng isang ospital sa Cebu dahil sa maling paggamit ng P3.38-million na bahagi ng pork barrel fund ni dating Cebu Representative Antonio Cuenco.
Batay sa summary na ipinalabas ng Supreme Court Public Information Office, kinatigan ng Korte Suprema ang findings ng COA na nagsasabing dapat managot sina, Filomena delos Santos, sa kanyang kapasidad bilang Medical Center Chief ng Vicente Sotto Memorial Medical Center; Josefa Bacaltos, sa kanyang kapasidad bilang Chief Administrative Officer; Nelanie Antoni, sa kanyang kapasidad bilang Chief of Pharmacy at Maureen Bien, sa kanyang kapasidad bilang hospital accountant
Kasabay nito, ibinasura ng Korte Suprema ang petition for certiorari na inihain ng apat na opisyal ng VSMMC dahil wala naman daw naging grave abuse of discretion sa panig ng COA.
Iniutos din ng korte na idulog ang kaso sa Tanggapan ng Ombudsman para magsagawa ng malalimang imbestigasyon at posibleng pag-usig.
Sa pagsusuri ng special audit team ng COA, lumilitaw na pineke umano ang mga reseta na para sa mga anti-rabbies vaccines at iba pang mga gamot na nagkakahalaga ng mahigit 3.34 million pesos at mahigit 695 libong piso na binili gamit ang PDAF ni Cuenco.
Lumabas din sa pagsusuri na karamihan sa mga pasyente ang nakinabang sa nasabing mga reseta ay non-existent at wala ring actual procedure ang nangyari.
The post Ex-official ng Cebu Hospital, pinapanagot sa maling paggamit ng pork barrel fund appeared first on Remate.