NANAWAGAN ang Department of Justice at NBI sa 97 alkalde sa Luzon na nadamay sa scam na kinasasangkutan ng Malampaya Fund na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.
Ani Justice Secretary Leila de Lima makaraan niyang kumpirmahin na bukod sa pork barrel scam, kasama rin sa iniimbestigahan ng NBI ang sinasabing diversion sa pondo ng Malampaya.
Batay sa salaysay ng isa sa mga testigo sa pork barrel scam na si Merlina Sunas, ang 900 million pesos na halaga ng Malampaya Fund na nakalaan sana para sa mga lugar sa Luzon na sinalanta ng Bagyong Ondoy at Pepeng ay hindi natanggap ng mga lokal na pamahalaan kundi napunta sa bulsa ni Napoles.
Ayon sa mga whistleblower, pineke lamang ng mga empleyado ni Napoles ang pirma ng mga alkalde para palabasin na nakinabang ang mga ito sa Malampaya Fund.
Sinabi ni de Lima na napadalhan na nila ng individual notices at invitations ang mga nasabing alkalde at hinihimok nila ang mga ito na personal na humarap sa NBI o di kaya ay magpadala ng sinumpaang salaysay na nagdedetalye ng nalalaman nila sa scam.
The post DoJ, NBI umapela ng tulong sa 97 mayors appeared first on Remate.