IDINEPENSA ng isang kaalyado ni Pangulong Aquino ang pagkakaroon ng presidente ng pork barrel.
Umapela si Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga na huwag nang kaladkarin si Pangulong Aquino sa iskandalo ng P10 billion pork barrel scam dahil sa pagkakaroon nito ng Presidential Social Fund.
Ipinaliwanang ng kongresista na hindi dapat pinagsasama ng mga kritiko ang PSF sa pagtawag dito bilang presidential pork para lamang madamay sa anomalya ang pangulo.
Ang PSF aniya ay tradisyunal na inilalaan sa pangulo ng bansa para pangtulong sa mga nangangailangan gaya ng tulong medikal, edukasyon at ayuda sa mga sundalong nasusugatan.
The post PNoy ipinagtanggol sa presidential special fund appeared first on Remate.