POSIBLENG maranasan ang signal no. 2 sa Metro Manila sa pagragasa ng bagyong Labuyo.
Ayon sa PAGASA forecasting center, malawak ang bagyo at maaaring hagupitin ng outer part ng naturang sama ng panahon ang malaking bahagi ng National Capital Region (NCR).
Sa latest weather advisory, umaabot na sa 140 kph ang lakas ng bagyo na may pabugsong 170 kph.
Muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mag-ingat lalo na ang mga residenteng nakatira malapit sa dagat, ilog at bundok.
Taglay ng bagyo ang maximum winds na 150 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 185 kph.
Ito ay umuusad sa bilis na 19 kph sa pangkalahatang direksyon na pa-kanluran-hilagang-kanluran.
Bunsod nito, nakataas na ang signal no. 3 sa anim na lalawigan, kabilang ang Catanduanes, Camarines Provinces, Northern Quezon, Polilio Island, Aurora at Isabela.
Nasa signal no. 2 naman ang Albay, Sorsogon, Rizal, natitirang bahagi ng Quezon, Laguna, Bulacan, Nueva Ecija, Quirino, Nueva Viscaya, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga at Cagayan.
Signal no.1 naman ang Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, La Union, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bataan, Cavite, Batangas, Marinduque, Burias, Ticao Islands at Metro Manila.
Ayon kay weather bureau’s officer-in-charge Vicente Malano, bukas ng umaga ay inaasahan ang landfall ng bagyo sa central area ng Aurora province.
The post Metro Manila posibleng tamaan ng signal #2 mamaya sa pagragasa ng bagyong Labuyo appeared first on Remate.