SA KABILA ng pakikibakang legal laban sa Quezon City government, patuloy pa rin ang Manila Seedling Bank Foundation Inc.(MSBFI) sa suporta sa national greening program (NGP) ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong kahoy.
Ayon kay MSBFI Leonardo Ligeralde, ang pitong ektarya na lugar sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue ang mananatiling green spot na lugar sa kahabaan ng EDSA mula sa Monumento sa Caloocan City hanggang sa Baclaran sa Pasay City na ang serbisyo ay tulad ng seddling production, reforestation, agroforestry, tree farming, composting, charcoal making at pag-aalaga ng puno.
Kabilang si environmentalist Dr. Isidro Esteban na miyembro ng MSBFI’s forestry consultant at doktor ng mga puno.
Bilang selebrasyon ng MSBFI sa kanilang ika-36 taong pagdiriwang sa September 1, sinabi ni Ligeralde ang seedling bank ay mas pinalawak pa ang kanilang serbisyo at consultancy, research services at pinalawak ang kanilang first class environmental center.
Ibinida ng foundation na kabilang sa kanilang field of research ang pagtulong sa mga estudyante mula sa unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, University of Santo Tomas at ang University of the Philippines para sa reforestation, backyard gardening, pagtatanim ng gulay at puno.
Bilang suporta sa programa ni Pangulong Aquino sa national greening program ang MSBFI sa pakikipagtulunganng Department of Environment and Natural Resources ay nakatakdang magtanim ng 5,750 seedling ng forest tree tulad ng ilang-ilang, banaba at Palawan cherry sa 35 ektaryang lugar sa Pangasinan State University sa Infanta, Pangasinan.
The post Greening program ni PNoy suportado ng Manila Seedling Bank appeared first on Remate.