TINATAYANG 3,000 pasahero na ang na-stranded sa iba’t ibang pier sa Bicol Region makaraang hindi payagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag ang mga barko dahil sa pananalasa ng bagyong Labuyo.
Kinumpirma ni PCG Spokesperson Commander Armand Balilo na pinakamaraming na-stranded sa Sorsogon ang nasa 2,333 habang sa Albay ay nasa 425.
Habang 40 naman ang sa Masbate, 21 sa Catanduanes at tatlo sa Camarines Sur.
Hindi rin nakapaglayag ang may 260 RORO bukod pa sa 21 barko at 10 motorbanca.
The post 3,000 pasahero pa stranded sa Bicol appeared first on Remate.