SA unang pagkakataon ay natalo ng Pilipinas ang koponan ng Korea sa FIBA Asia Basketball Championship men’s sa Mall of Asia, Arena Pasay City.
Sa iskor na 86-79, bumigay ang koponan ng Korea sa Pilipinas dahil na rin sa pinagsamang liksi at tikas nina Castro, Fonacier, Pingris, Alapag at David.
Dahil dito, kahaharapin ng Pilipinas Gilas ang nauna nang nakapasok sa FIBA World Basketball na Iran, una namang inilampaso ang Chinese Taipei, 79-60, sa kanilang semifinal match.
Bukod sa panalo sa Korea, labis na kasiyahan din ang nararamdaman ng Gilas dahil tulad ng Iran ay pasok na rin sila sa FIBA World Basketball.
Gamit ang rebounding power at shooting abilities hindi hinayaan ng Gilas na ma-upset pa sila ng Korea gaya ng ginagawa ng mga ito sa kanila kada tuwing may laban.
Samantala, may pagkakataon namang makapasok pa sa world championship ang Taiwan kung mananalo sila sa battle for place bukas.
The post Pilipinas vs Iran sa FIBA championship appeared first on Remate.