MAY 2,000 katao ang lumikas sa kanilang kabahayan sa North Cotabato sanhi ng kaguluhan sa pagitan ng tropang gobyerno at miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ayon sa pahayag ni North Cotabato Governor Emmylou Mendoza.
Sinabi ni Mendoza na ang bakbakan ay kasalukuyang nagaganap sa Barangay Pagangan sa munisipalidad ng Aleosan town simula pa nitong nakaraang Biyernes ng gabi.
Mga sundalo at pulis ang nagbabantay sa Aleosan na bahagi ng Davao-Cotabato highway para matiyak ang seguridad ng mga motorista.
Kilala ang mga BIFF forces na tumatarget sa mga motorist kapag nakikipagbakbakan sa military.
The post Libong residente lumikas sa sagupaan ng military at Moro rebels appeared first on Remate.