ITINATAGO ng Malakanyang ang detalye ng imbestigasyon ng pork barrel scam upang hindi agad makarating sa mga taong isinangkot dito.
Inamin ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, mahirap na maraming detalye ng imbestigasyon ang lumabas dahil makakagawa ng hakbang ang mga partidong iniimbestigahan dito.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng opisyal na hindi tumitigil ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang pag-iimbestiga sa pork barrel scam taliwas sa ulat na tumigil na ang ahensiya sa kanilang ginagawang pag-iimbestiga sa nasabing kontrobersiya.
The post Imbestigasyon ng NBI sa pork barrel scam, itinatago ng gobyerno appeared first on Remate.